"Sorry. I don't go for an Asian chick." Iyan si Trond Knudsen. Isang white supremacist na naniniwala na ang puti ay para sa puti, ang itim para sa itim, at ang mga kayumangging lahi ay para rin sa kapwa kayumanggi.
"Hinding-hindi kita magugustuhan kahit ikaw na lang ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo!" Iyan naman si Ysay Vergara. Isang idealistic na Pinay na naniniwala na ang kasal ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan at hindi isang paraan para makakuha ng visa.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang magpakasal ng dalawa. Sinumpa ng lalaki na hindi niya gagawing madali ang lahat para sa babae. Nangako naman sa sarili ang babae na hinding-hindi niya papayagan ang sariling mahulog ang loob sa lalaki. May pag-asa pa kayang maging totohanan ang kasal kung sa simula pa lang ay suklam na suklam na sila sa isa't isa?