Si Rebel ay laking-kumbento at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para maging malaya. Si Bullet ay isang mersenaryo na inupahan upang sundan siya. Isang dalagang rebelde at isang lalaking matalas ang mga mata, saan magtatagpo ang dalawa?
Rebel was free! She was done at playing dumb, submissive, and oh-so-obedient. When she turned twenty-one, she got her trust fund. She bought a yacht and planned on a world tour.
Bullet was a mercenary who accepts money to hunt a fugitive. And he was commissioned to catch a fugitive lady, Rebel Tiangco. Her name alone said something about her—that she would fight him than let him capture her!
Chapter One:
Nakasimangot si Rebel habang nakasalampak sa ibabaw ng bubungan ng kumbento. Tinatanaw niya ang malayong kalsada na nasa paanan ng burol.
"Ang tagal naman nina Papa at Kuya!" bulalas niya sa sarili.
She had just finished her studies in the convent school. At sigurado siyang tuwang-tuwa na rin ang mga madre dahil aalis na siya.
Napahagikhik si Rebel pero agad din naman siyang nalungkot dahil napamahal naman sa kanya ang mga naging tagapag-alaga magmula nung anim na taong gulang siya. Her dear and gentle mother had died because of a heart attack. And her father and one brother did not know what to do about her.
Oo, mahal na mahal siya ng mga ito. But she had went a little wild when her mother had passed away. Kaya walang nagawa ang kanyang Papa kundi sundin ang suhestiyon ng isang kapatid na pari. Ipinasok siya sa isang kumbento upang doon na lumaki at mag-aral. Palibhasa ang Familia Tiangco ang pinakamalaking donor ng Convent of the Eastern Pearl, hindi natanggihan ang unica hija ni Don Ramon. Hindi rin na-expelled kahit na ubod nang sutil.
Admittedly, she had deliberately did all the mischievous things as she grew up. Dahil ibig na nga niyang makaalis sa kumbentong iyon. Ngunit sadyang matiisin ang mga butihing babaeng naka-abito. Pinagtiyagaan siya hanggang sa makatapos siya. Kahit na anong kapilyahan pa ang gawin niya, pinagpapasensiyahan siya. Kahit na ilang ulit siyang tumakas, tinatanggap pa rin siya nang malugod kapag ibinabalik siya ng Papa niya.
Bumuntong-hininga si Rebel. "I'm free now," sambit niya sa mga ulap na pinapanood. Nakahiga naman siya ngayon sa bubong na yari sa tisang pula. Dito ang paborito niyang lugar kapag nagpapalipas ng inip.
She had always felt that something momentous awaited her. Na sinasayang lang niya ang buhay dito sa loob ng kumbento. At ngayon nga, isang linggo na lang ay magiging dalawampu't isang taon na siya.
Sa wakas, malayang-malaya na siya! Ngunit iyon lang pala ang akala niya...