"I never stopped loving you, not even a second of those ten long years."
"Babalik ako, Francess. Hindi tayo tuluyang magkakahiwalay. Kailangan lamang na umalis ako sandali para magamot ako. Hindi ibig sabihin ay hindi na kita babalikan. At saka, habang wala ako ay nandiyan naman si Anastasia. Hindi ka masyadong malulungkot. She will cover for me."
Tandang-tanda pa ni Francess ang pangakong iyon ng kaibigang si Jones bago ito umalis pabalik ng America kung saan magpapagamot ito sa sakit na brain tumor. Naiwan si Francess sa piling ni Anastasia—ang manikang regalo nito sa kanya noong fourteenth birthday niya.
Ngayon, makalipas ang sampung taon, ay nagbalik si Jones. Ngunit hindi na siya nito naaalala...
Paano na ang puso niyang nagmamahal at umaasa parin dito?