Mas mahalaga kay Mica ang seguridad kaya determinado siyang magsikap at magtiyaga upang umasenso. Ayaw niyang bigyan ng atensyon ang pag-ibig na sumibol sa maling panahon.
Natagpuan ni Race ang babaeng itatangi ng puso habambuhay. Ngunit ang dalaga ay naglahong parang bula. Pero dahil nakatakdang magkurus uli ang mga landas nila, wala na siyang inaksayang pagkakataon.