Minsan nang nagpaloko at nagpa-alipin si Marcus sa isang babae. Nasaktan nang labis, isinumpa niyang iyon ang una't huling susuko siya sa kahinaan ng emosyon. Hanggang sa dumating si Candice...
Ngunit isang nag-aalab na pagnanasa lang ang tanging kapalit ng dalisay niyang pag-ibig dito. Iyon na ba ang wakas... o ang simula?