Error loading page.
Try refreshing the page. If that doesn't work, there may be a network issue, and you can use our self test page to see what's preventing the page from loading.
Learn more about possible network issues or contact support for more help.

Ika-apat na Serye ng Espiritual na Paglago ni Paul C. Jong--Ang Unang Liham ni Juan (Ⅱ)

ebook
1 of 1 copy available
1 of 1 copy available

Kung kayo ay tunay na Kristiyano, dapat ninyong higit na malaman ang pag-ibig ng Diyos kaysa sa mahirap unawain. Yaong nalalaman at nananalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay dapat makilalang mabuti ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang ikapapatawad ng mga kasalanan na isinakatuparan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng ng Salita ng tubig at ng Espiritu. Kailangan tayong maging tunay na mananampalataya nitong tunay na ebanghelyo upang makilala nating lubos ang pag-ibig ng Diyos. Itong tunay na ebanghelyo, ang pag-ibig ng Diyos ay matibay at detalyeng inihayag. Upang makilala natin ang Diyos bilang pag-ibig, ang ating kaalaman ay kailangang magmula sa matibay na pag-ibig ng Diyos para sa atin na nahayag sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon lamang natin maaakay ang iba sa tunay na pag-ibig ng Diyos.
Pinatotoo ni Apostol Juan na si Jesu-Cristo, na naparito sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ng Banal na Espiritu, ay ang Tagapagligtas at Siyang Diyos. Ang kabuuan ng kanyang patotoo ay ang Katotohanan ng kapatawaran ng kasalanan, na nakapaloob sa tubig, sa dugo at sa Banal na Espiritu.
Tulad ng nasusulat sa Salita ng Diyos, ang tubig ay nangangahulugang bautismo ni Jesus na Kanyang tinanggap mula kay Juan Bautista, at ang dugo ay nangangahulugan ng hatol na iginawad sa Kanya para sa lahat nating kasalanan. Muli, ang katibayan ng ating kaligtasan ay nakasalalay sa Banal na Espiritu, sa tubig, at sa dugo (1 Juan 5:8). Ang mga ministeryo ng tubig, ng dugo, at ng Banal na Espiritu ay yaong nasa Diyos kung saan iniligtas Niya ang mga makasalanan sa lahat nilang kasalanan.

Formats

  • OverDrive Read
  • EPUB ebook

Languages

  • Tagalog

Loading