Nawalan ng tiwala si Ellis sa mga lalaki matapos ipapatay ng sarili niyang ama ang kanyang ina.
Dahil naman sa panloloko ng babaeng minahal ay nawalan nang gana sa pag-ibig si Revo.
Ngunit dahil sa kagagawan ng CEO ng Venom Corp., nagtagpo ang landas ng dalawa.
Lingid sa kanila, kamatayan ang naghihintay kay Ellis oras na umibig siya kay Revo.